Monday, 19 January 2015

Edukasyon

Ang edukasyon ay mahalaga.
Lalo na't para sa ating kinabukasan.
Pero sa panahon ngayon,
Ibang kabataan ay wala ng paki-alam.

Di ba dapat,
Kabataan ang asahan.
Sa magulong lugar,
Sila ang magiging pag-asa.

Pamilya

Ang pamilya ay napakalaking bahaghi ng ating buhay.
Sa hirap at ginhawa,
Lagi silang andyan
Upang sa atin ay dumamay.


Nanay,tatay.
Ate,kuya at baby.
Lolo,lola,tito at tita.
Salamat sa pagiging tunay na pamilya.

Kaibigan

Lingid sa ating kaalaman,
Ang tunay na kahalagahan ng isang kaibigan.
Kung minsan ay wala tayong matakbuhan,
Sila ang ating pinupuntahan.

Tunay ngang mahalaga,
Ang isang kaibigan.
Sino nga bang tao ang di kailangan ng kaibigan?
Di ba't wala nga naman.

Malasakit sa Kapwa

Mga kababayan nating nasama sa trahedya,
Nagahahanap ng kalinga sa kapwa.
Mga pagtatalo at hindi pagkakasunduan,
Huwag na nating tularan.

Dapat ang ating isipin,
Mabubuting mithiin.
Pagmamalasakit sa kapwa,
Atin pang paunlarin.

Pagmamahal sa Bayan

Pagmamahal sa bayan,
Atin na nga bang nakalimutan?
Ating mga kababayan,
Isa-isa nang nagsisi-alisan.

Kung ano nga ba ang dahilan,
Sila-sila din ang nakaka-alam.
Pero hangga't may kabataan,
May paraan para mabalik ang pagmamahal sa bayan.